Osu! Tatakae! Ouendan ay isang rhythm na laro para sa Nintendo DS. ang gameplay nito ay may nabibilang na tatlong elemento: Pagpindot ng hitcircle sa touchscreen, pag drag ng sliders at pag-ikot ng spinner ng mabilis. Lahat ng elements ay nakuha sa (cover ng mga) popular Japanese songs. Ito ang muka nito sa DS:
Makikita mo yung mga circles sa ibaba ng screen (Left), at sa taas ng screen ay nandun ang storya. Bawat stage ay may isang nilalaman na storya ng isang tao na nasa peligro. Diyan kung saan ay lalabas ang Ouendan (Cheer Squad). Sa kapangyarihan ng male cheer-leading, kailangan mong tulungan ang mga taong nasa peligro.
Buong explenation (English): osu! Standard
Habang ang iba ay walang touchscreen sa kanila, ang laro na ito ay pwede parin malaro ng normal na mouse, at ang iba pang input devices na pwede mong maisip. Iba ibang klase ng play style ay matagpuhan sa Play Styles na pahina. May mga kanta na tinutulak ang limitation ng normal na mouse (at tsaka ikaw), pero lahat ng (ranked at approved) na beatmaps ay na tested at (ilan lang ang) mapapasado gamit ng mouse lang.
Tutorial: (Yung naka-bundled na sa PC osu!) Orihinal na tutorial, Ranked beatmap ng tutorial
Ang laro na ito ay nakasalalay sa iyong:
Ito ang mga importanteng kakayahan na matutuklasan sa bawat progresso ng iyong pag-lalakbay para maging isang osu! rhythm master. Bago muna ikaw tumanaw sa pagiging rhythm master, kailangan mong matutunan ang basic (at theorya) ng mga hit-able objects.
Siguraduhin na merong nakainstall na .NET Framework 3.5 para mapagana ang osu!.
Kailangan mo munang mag-register sa forums bago ka magka-access sa listahan ng mga beatmaps.
Kung ikaw ay naka register na, pwede ka na ring makapag-download ng beatmaps at makakuha ng mga ranks sa leaderboards!
Maari ka na ring makipag-chat sa mga ibang tao sa loob ng laro, kaya wala kang nang dahilan para hindi mag-register!
Maaaring na-corrupt ang beatmap na na-idownload mo o kaya naman hindi nakumpleto and pag-download. Pakibasa ang "Downloads" page kung bakit.
Pag may nakita ka na isang error o bug na hindi dapat nangyayari, Ireport ito sa Technical Support sa wikang Ingles.
"Bago magpost sa Technical Support, hanapin mo muna kung merong mga kaparehas na problema ng sa iyo."
"Pwede ka rin pumunta sa #help channel at magtanong tungkol sa problema mo."
May test release para sa OSX na makikita dito kasama ang mga instructions kung paano gamitin ang pre-compiled app para magamit ang osu! para sa Mac.
Pwede mo din sundan ang article na ito kung paano mapagana ang osu! sa Mac.
May mga tao na nagsasabi na pwede mo rin mapagana ang osu! sa loob ng Linux gamit Wine.
Tignan ang thread na ito para sa mga detalye kung paano gawin.
Si pokebis ay nag-ipon ng mga set na beatmap para malaro ng mga beginner. Mahahanap mo sila dito: Link
At tsaka, ang ranked na beatmap ng osu! tutorial ay maganda din pag-praktisan para sa mga possibleng desenyo na mapping na ma-lalaro mo. Ito ay isang magandang pagsasanay para sa mga newbies at magagaling na players.